Tinatayang aabot sa 85,924 tourist arrivals ang naitala ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan para sa isla ng Boracay sa unang dalawang linggo pa lamang ng buwan ng Mayo.
Sa bilang na ito 68,871 ay mga local tourists, 801 ay mga overseas Filipino o mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa, at 16,252 ay mga foreign tourist.
Ang nasabing bilang ay mula sa mga bumisita sa isla mula May 1 hanggang 15, 2024.
Kahapon, ipinahayag naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang pagsasagawa ng iba’t ibang inistiyatiba ng pamahalaan para sa pagiging isang tourism powerhouse ng Pilipinas sa Asya. | ulat ni EJ Lazaro