Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez ang opisyal na paglulunsad ng panibagong ayuda program ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Program na Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP.
Kabuuang ₱3 bilyong halaga ng tulong pinansyal ang sabayang ipinamahagi sa may higit 1 milyong benepisyaryo ngayong araw.
Isasi Romualdez sa mga pangunahing tagapagsulong ng AKAP na ipapatupad sa ilalim ng Separment of Social Welfare and Development (DSWD) ng pamunuan ni Sec. Rex Gatchalian.
₱26.7 billion na pondo ang inilaan para sa pagpapatupad ng program na nakapaloob sa 2024 National Budget para tulungan ang mga near poor, minimum wage earners, low-income earners at mga nasa financial distress.
“Karangalan ko pong ihatid sa inyo ngayong araw ang pinakabagong programa ng ating pamahalaan — ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program, o AKAP. Sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., binuo natin ang programang ito para tulungan ang ating mga kababayang mahihirap na apektado ng pagtaas ng mga presyo o inflation,” ani Romualdez.
Aabot sa 1,002,000 na benepisyaryo mula sa 334 na lugar sa buoong bansa ang makakatanggap ng ₱3,000 na tulong pinansyal.
Ani Romualdez, umaasa silang sa programa ay matulungan ang mga benepisyaryo na makaraos sa araw-araw, lalo na sa pagbili ng pagkain at sa iba pang mahalagang gastusin.
“Sa pamamagitan ng AKAP, masisiguro natin na kahit sa panahon ng krisis, walang Pilipinong maiiwan. Ito ang misyon na ibinigay sa atin ng Pangulong Marcos, Jr. Ang tiyakin na bawat Pilipino ay may maaasahang kakampi na handang umalalay sa panahon ng pangangailangan. Sa anumang panahon. Saan mang sulok ng bansa.” | ulat ni Kathleen Forbes