Sa harap ng Bagong Sinag PMA Batch ay muling binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na idedepensa ng bansa ang karapatan sa pag-aaring teritoryo nito.
Ang paninindigan ay ginawa ng Pangulo habang inisa-isa sa mga bagong nagsipagtapos ng PMA class 2024 ang magiging bahagi ng trabaho nito bilang mga opisyal ng bayan.
Ayon sa Pangulo, kasama na ngayon ang nasabing PMA batch sa haharap sa aniya’y mga intruders na hindi nirerespeto ang ating pambansang teritoryo.
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na buong lakas na ipagtatanggol ng Pilipinas ang karapatan sa anomang pag-aari into batay sa kung ano ang itinatakda ng batas.
Kabahagi na aniya ngayon ang Bagong Sinag class sa mga kikilos hindi lamang para panatilihing ligtas ang mamamayan kundi masigurong malakas ang depensa laban sa mga banta, at masiguro ang matatag na demokrasya.| ulat ni Alvin Baltazar