Pinalalala lang ng China nag tensyon sa West Philippine Sea, matapos nitong ianunsyo ang bagong regulasyon kung saan, huhulihin nila ang mga banyaga na papasok sa inaangkin nilang teritoryo.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, tahasan itong paglabag sa international law at kinikilalang kasunduan ng Pilipinas at iba pang claimant countries sa South China Sea.
Giit niya, imbes na magpatupad ng bagong kautusan at mam-bully ng ibang nasyon ay maging responsableng miyembro ito dapat ng international community at respetuhin ang mga international ruling.
Hindi aniya papalampasin ng Kamara kung may Pilipinong mangingisda na aarestuhin sa loob mismo ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ).
Patuloy din aniyang dedepensahan ng Kapulungan ang ating soberanya at kaligatasan at karapatan ng mga Pilipino.| ulat ni Kathleen Forbes