Binalaan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang mga “price manipulator” na magsasamantala sa mga mamimili sa pagpasok ng La Niña phenomenon o panahon ng mas mataas sa normal na pag-ulan.
Ang babala ay ginawa ni Sec. Teodoro sa pagpupulong ng Presidential Task Force El Niño kamakailan.
Sa pagpupulong, tiniyak ni Sec. Teodoro na handa ang DND na magbigay ng suporta sa mga ahensyang nakatutok sa price monitoring ng mga pangunahing produkto.
Bilang chairperson ng Task Force, sinabi ni Teodoro na gagawing prayoridad ng pamahalaan ang pag-usig sa mga price manipulator at hoarder ng mga pangunahing produkto partikular ang bigas.
Giit ni Teodoro, kailangan mapalakas ang price monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) para mapangalagaan ang mga mamimili sa gitna ng mga inaasahang epekto ng La Niña. | ulat ni Leo Sarne