Kampanya vs iligal na koneksyon gayundin ang pagnanakaw sa mga kable at metro ng kuryente, paiigtingin ng MERALCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paiigtingin pa ng Manila Electric Company (MERALCO) ang kanilang kampanya kontra sa mga iligal na koneksyon gayundin ang talamak na pagnanakaw ng mga kable at metro ng kuryente sa kanilang nasasakupan.

Ito’y matapos mahuli ang dalawang lalaki kahapon sa bahagi ng Tomas Morato sa Quezon City dahil sa pagnanakaw ng metro ng kuryente kasunod ng isinagawang pagmamanman sa kanila ng Pulisya.

Ayon kay MERALCO Communications Head, Claire Feliciano, nakikipagtulungan sila sa PNP para mahuli at papanagutin ang iba pang gumagawa ng kahalintulad na iligal na aktibidad.

Giit ng MERALCO, bawal ang pagnanakaw ng kuryente, kable o kahit ang metro nito alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 7832 o ang Anti Electricity Pilferage Act.

Maliban sa isa itong gawaing kriminal, lubhang mapanganib din ang pagnanakaw ng kuryete sa komunidad dahil maaari rin itong maging sanhi ng kamatayan ng magnanakaw gayundin ng sunog.

Kaya naman hinikayat ng MERALCO ang publiko na agad i-ulat sa kanilang 24/7 hotline 16211 o mag-iwan ng mensahe sa kanilang social media accounts sakaling makakita o maka-engkuwentro ng gayung aktibidad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us