Welcome para kay Camarines Sur Representqtive LRay Villafuerte ang anunsyo ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa buwan ng Hunyo o Hulyo ay maaari nang simulan ang pamamahagi ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF).
Ayon sa mambabatas, ngayong mismong ang Pangulo na ang nag-anunsyo nito, ay marapat lang na siguruhin ng Food and Drug Administration (FDA) na matapos na ang pagpaparehistro sa naturang bakuna.
“Now that President Marcos himself has announce that the vaccine rollout is to take place this June or July, it behooves the FDA to pull out all the stops in its registration of the imported vaccine earlier endorsed by the BAI (Bureau of Animal Industry), in time for the TWG to roll out its mass inoculation drive for local hogs in a month or two—based on our Chief Executive’s timeline,” ani Villafuerte.
Muli namang inihirit ni Villafuerte na gawing libre ang ASF vaccine para sa backyard hog raisers lalo at sila ang mas tinamaan ng ASF.
Maigi rin na mag deklara ng State of Calamity sa mga lugar na tinamaan ng ASF upang magamit ang Calamity o Quick Response Funds para magamit sa pagbabakuna.
Una nang inirekomenda ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry ang AVAC vaccine mula Vietnam para sa mabigyan ng issuance of certificate of product registration ng FDA matapos makitaan ng magandang resulta ang clinical trial nito.
Taong 2019 pa nang unang tamaan ng ASF ang hog industry ng Pilipinas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes