Presyo ng luya, iba pang pangsahog sa Mega Q-Mart, tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

May paggalaw sa presyo ng ilang kadalasang isinasahog sa luto sa Mega Q-Mart sa Quezon City.

Kasama sa may taas-presyo ngayon ang luya na mula sa ₱170 ang kada kilo noong nakaraang linggo, ay nasa ₱200 na ang bentahan ngayon.

Tumaas rin ng ₱5 ang retail price ng kamatis na nasa ₱40 ang kada kilo ngayon, mula sa ₱35 noong nakaraang linggo, at ang sibuyas na nagkakahalaga ngayon ng ₱75 ang kada kilo mula sa ₱70 noong nakaraang linggo.

Malaki rin ang itinaas sa presyo ng Baguio beans na mula sa ₱130 noong nakaraang linggo, ay nasa ₱160 na ang bentahan ngayon.

Bukod dito, nananatiling matatag ang presyuhan ng ilang gulay sa Mega Q-Mart:

Repolyo – ₱50
Pechay – ₱55
Carrots – ₱80
Patatas – ₱80
Cauliflower – ₱80
Broccoli – ₱70
Labanos – ₱100
Leeks – ₱100
Patola – ₱45
Talong – ₱70
Ampalaya – ₱85

| ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us