Natapyasan muli ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa magdamag.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay nabawasan pa ng 22 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 180.73 meters.
Wala nang isang metro ang agwat nito mula sa 180 meters na minimum operating level ng dam.
Bukod sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig Binga Dam ngayong umaga.
Una nang sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na patuloy pa rin ang ipinatutupad nitong interventions gaya ng pagbabawas ng water pressure para matipid ang tubig sa dam habang wala pa ang panahon ng tag-ulan. | ulat ni Merry Ann Bastasa