Luzon at Visayas Grid, muling ilalagay sa Yellow Alert

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na muling isasailalim sa Yellow Alert ang Luzon at Visayas Grid ngayong araw.

Ito ay bunsod pa rin ng kakapusan sa reserba ng kuryente.

Epektibo ang Yellow Alert sa Luzon Grid mula 2:00pm hanggang 4:00pm o tatagal ng dalawang oras habang mas matagal naman sa Visayas Grid mula 1:00PM hanggang 9:00PM.

Ito ay dahil sa maraming planta pa rin ang naka-forced outage habang ang iba ay tumatakbo na kapos ang kapasidad.

Natukoy naman na nasa 2040.8 MW ang unavailable ngayon sa Luzon Grid habang 553.4MW naman ang nawawala sa Visayas Grid. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us