Naghahanda ang Office of Civil Defense (OCD) para matiyak ang zero casualty sa panahon ng “La Niña,” kasunod ng “El Niño” o tagtuyot.
Alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinaigting na ng OCD ang preparasyon para sa tag-ulan base sa mga aral na natutunan ng ahensya sa mga nagdaang kalamidad sa bansa.
Mahigpit na ring nakikipag-ugnayan ang OCD sa mga regional offices nito at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, may 60 percent na tsansang maramdaman ang epekto ng La Niña, na magdudulot ng higit sa normal na pag-ulan, sa mga darating na buwan ng Hunyo, Hulyo, at Agosto. | ulat ni Leo Sarne