Palalawigin ng Department of Agriculture ang ipinatutupad na importation ban sa sibuyas sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ngayong araw.
Ayon sa kalihim, posibleng hanggang hulyo iextend ang import ban.
Sa ngayon, wala kase aniyang nakikitang dahilan ang kalihim na mag-import dahil nananatiling matatag ang suplay ng lokal na sibuyas sa bansa.
Katunayan, puno aniya ang mga cold storage sa onion producing areas at mababa rin ang presyo ng sibuyas sa merkado.
Una nang sinabi ng DA na inaasahan nito ang pagsipa sa lokal na produksyon sa sibuyas dahil na rin tumaas sa 40% ang mga lupaing napagtamnan ng sibuyas noong 2023.
Inaasahan ding aabot sa 370,000 MT ang kabuuang produksyon sa lokal na sibuyas sa bansa sa unang anim na buwan ng 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa