Sinimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang gradual rollout ng pag update ng demographic information sa National ID system sa mga piling lalawigan.
Ang updating services ay nagpapahintulot sa pagbabago o pagwawasto ng demographic information entries sa National ID tulad ng pangalan, marital status, kasarian, petsa o lugar ng kapanganakan, address,blood type at anumang clerical at/o typographical errors.
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General,ang updating services ay isinasagawa na sa 38 PSA Provincial Statistical Offices (PSOs).
Ang buong listahan ng Fixed Registration Centers na nag aalok ng nasabing serbisyo ay makukuha sa https://philsys.gov.ph/registration-center/
Bukod sa pag- update, tinatanggap na rin ng PSA ang mga request para sa pagpapalit ng National ID na may peeled-off photos at availbale na rin sa buong bansa.
Kailangan lamang i-surrender ng registered persons ang kanilang ID sa pinakamalapit na registration center o PSA Regional Statistical Services Office at PSO at mag fill out ng bagong request form.
Hanggang Abril 26 2024,abot na sa 50,599,170 National IDs ang naihatid sa mga registered person,habang 45,438,766 na printed ePhilIDs ang naibigay na rin. | ulat ni Rey Ferrer