Binigyang pagkilala ng Department of Agriculture ang mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Kasabay ito ng ikinasang selebrasyon ng 2024 farmer’s and fisherfolk’s month sa DA Central Office ngayong araw na may temang: “Magsasaka at Mangingisda katuwang tungo sa masaganang Bagong Pilipinas”.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., malaki ang naging papel ng mga magsasaka at mangingisda tungo sa pagpapanatili ng masigla at maunlad na ekonomiya.
Hinihikayat ng kalihim ang lahat na suportahan ang tinaguriang food heroes ng bansa sa pamamagitan ng inisyatiba ng departamento; maging ang modernisasyon at mekanisasyon sa agrikultura.
Binigyang diin ni Secretary Laurel na dapat ipagpatuloy ang modern farming techniques; mechanization; at sustainable practices upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura; mapalakas ang produksiyon na tutugon sa pangangailangan ng lumalaking bilang ng populasyon sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer