Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas ma-igting na presensya ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) sa West Philippine Sea (WPS).
“Nag-utos na ang ating Pangulo and National Security Adviser Eduardo Año, sa ating Philippine Coast Guard, kasama na rin ang ibang mga assets gaya ng Philippine Navy na paigtingin iyong presensya, kumbaga sa lungsod police visibility.” —ADG Malaya.
Pahayag ito ni National Security Council (NSC) Assistant Deputy General Jonathan Malaya kasunod ng inilabas na coast guard regulation ng China na huhulihin ang mga dayuhan papasok sa kanilang umano’y teritoryo.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na itinuturing ng pamahalaan na empty threat o wala salita laman ang banta na ito ng China.
“Noong 2021 naglabas na rin sila ng bagong coast guard noon na may ganito rin powers and authority pero hindi naman nila ginawa ‘no. it’s been how many year since then, so ang sa tingin namin and sa tingin din ng Philippine Coast Guard, this is an empty threat on the part of China.” —ADG Malaya.
Gayunpaman, upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda at iba pang Philippine vessel sa lugar, minabuti ng administrasyon na pa-gtingjn nag pressenya ng assets ng bansa sa WPS, upang agad na makatawag ng saklolo ang mga ito, sakaling kailanganin ng pagkakataon.
“On the part naman of our Naval assets, greater presence para kung saka-sakaling may ganitong insidente may matatawagan sila at puwedeng sumaklolo iyong ating mga barko.” —ADG Malaya. | ulat ni Racquel Bayan