Asahang nasa labas ng Metro Manila ang magiging aktibidad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. linggo-linggo.
Sa ginawa nitong pangunguna sa pamamahagi ng agrarian land titles sa Dumaguete city ay binigyang diin ng Pangulo na naniniwala siyang ang effective leadership ay sa pamamagitan ng pagharap at pagpunta mismo sa taong bayan gayung Malakanyang aniya ang dapat na lumalapit sa masa.
Paano aniya niya maririnig, sabing Pangulo ang hinaing ng bayan, malalaman ang lagay ng kanilanglugar pati na ang estado ng mga government projects kung naka-aircon lamang siya sa Palasyo at naka-upo sa kanyang opisina.
Punto ng Pangulo, ang taong bayan mismo ang makapagsasabi ng progress report partikular sa kung on time ba o delayed ang proyekto sa kanilang lugar.
Kaya mula sa mga tao, sabi ng Pangulo ay kanyang aalamin kung ano ang sitwasyon o usad ng mga proyekto, bakit hindi natapos at ano ang mga problema. | ulat ni Alvin Baltazar