Pangulong Marcos Jr., kumpiyansang matutuldukan ang insurhensiya sa Eastern Visayas sa ilalim ng kaniyang administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kayang matuldukan ang insurhensiya sa Eastern Visayas region sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Tacloban, sinabi nito na nakikita naman ng lahat ang progreso at pagbuti ng sitwasyon sa lugar.

“Yes, I am very, because I’ve seen the progress, it’s getting bett er, ‘di na masyadong magulo kagaya ng dati.” —Pangulong Marcos Jr.

Bagamat mayroon pa ring mga encounter, hindi na aniya katulad ng dati lalo’t nababaklas na ng pamahalaan ang organisasyon at hanay ng mga rebeldeng komunista.

Dahil dito, positibo ang Pangulo na matutuldukan nila ang insurhensiya sa rehiyon sa itinakdang panahon.

“Mayroon pa ring mga encounter pero di na kasing… Not in large number. Ang kanilang organization ay nababaklas na natin, so I think the progress is sufficient, and I think, we will be able to do it in the scheduled we gave ourselves.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us