Pilipinas, maaaring magsampa ng kaso sa int’l court ukol sa bagong regulasyon ng China na ikulong ang mga ituturing nilang ‘sea trespassers’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaaring magsampa ng panibagong kaso ang Pilipinas sa international court kung magkukulong ang China ng mga Pilipino na papasok ng walang pahintulot sa mga pinag-aagawang lugar sa South China Sea.

Ito ang iginiit ni Senate Special Committee on Admiralty Zones Chairperson Senador Francis Tolentino nang matanong tungkol sa bagong regulasyon ng China, na ikulong ang mga dayuhang manghihimasok sa pinaniniwalaan nilang kanilang teritoryo.

Paliwanag ni Tolentino, nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na ang isang coastal state ay maaaring magpataw ng parusa para sa paglabag sa Fisheries law, pero hindi pwedeng kasama ang pagkulong sa mga ipapataw na parusa.

Binigyang diin ng senador, na malinaw na mali ang ginagawa ng China at maaari rin nating ireklamo ito sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) o sa International Court of Justice.

Una nang kinondena ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang direktibang ito ng Beijing, at giniit na hindi ito katanggap-tanggap para sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us