Sen. Dela Rosa, dapat mag-public apology kay PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Assistant Majority leader Jay Khonghun, panahon nang humingi ng tawad ang Senado partikular si Senator Ronald Dela Rosa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Khonghun, hanggang ngayon na nasa ika-4 na pagdinig na ang komite na pinamumunuan ni Dela Rosa patungkol sa PDEA leaks ay hindi naman napatotohanan ng dismissed PDEA agent na si Jonathan Morales ang mga akusasyon nito.

Sabi pa ni Khonghun, ginamit lang ang imbestigasyon ng komite para ipahiya ang presidente. Sinegundahan ito ni Manila Rep. Joel Chua, at sinabi na malinaw na hindi in aid of legislation bagkus ay in aid of election ang layunin ng komite na gusto lang sirain si Pangulong Marcos. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us