Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI Regional Director Atty. Vanessa B. Goc-ong ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa paglulunsad ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa Bayan ng Manay, Davao Oriental, noong Sabado Mayo 18, 2024.
Nasa humigit kumulang sa 800 indibidwal mula sa iba’t ibang sektor na may maliit na kita o minimum wage earners ang nakatanggap ng tig- PHP 3,000.00 mula sa AKAP.
“Malaki ang aking pasasalamat kay Sec. Rex Gatchalian at sa DSWD sa paglunsad ng AKAP dahil malaki ang tulong nito para sa aming pangangailangan. Sana marami pa kayong programa na maibigay sa amin,” ito ay ayon kay Antonita Ortega-Lorenzo, isa sa mga nakatanggap na naturang tulong pinansyal.
Ang DSWD Field Office XI ay nakatakdang maglunsad ng iba pang AKAP episode sa iba’t ibang probinsya ng Davao Region.| ulat ni Dang Sabdani-Jumala| RP1 Davao