Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na magpapatuloy ang pagbibigay serbisyo ng ahensya sa mamamayan upang labanan ang kahirapan sa bansa.
Binigyang diin ng kalihim, ang mga programa ng ahensya na makakatulong sa mga ito gaya ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Suportado ng ahensya ang layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapigilan ang poverty incidence bago matapos ang kanyang termino sa 2028.
Kamakailan ay inilunsad din ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na naglalayon na magbigay ng social assistance sa mga indibidwal na walang access sa anumang tulong.
Sinabi ng kalihim na sila itong hindi umano nabibilang sa poorest of the poor. | ulat ni Rey Ferrer