Pina-contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales.
Ginawa ito ng mga senador na pagdinig ng kumite ngayong araw tungkol pa rin sa isyu ng ‘PDEA leaks’ dahil sa paulit-ulit na pagsisinungaling nito.
Partikular na kinuwestiyon ni Senador Jinggoy Estrada ang personal data sheet (PDS) ni Morales na isinumite sa PDEA kung saan itinanggi ng dating PDEA agent na na-discharge siya mula sa pambansang pulisya at na mayroon siyang mga kinakaharap na mga kaso.
Bagay na giniit ni Senador Jinggoy Estrada na taliwas sa katotohanan dahil mapapatunayan namang na-dismiss sa serbisyo sa PNP si Morales at nahaharap rin ito sa patong-patong na mga kaso.
Wala namang tumutol sa mga senador sa pagkaka-contempt ni Morales.
Sa ngayon ay nananatili sa Senate detention cell si Morales.| ulat ni Nimfa Asuncion