Nagpaabot ng pagbati si House Speaker Martin Romualdez kay Senator Chiz Escudero sa pagkakahalal nito bilang bagong Senate President.
Aniya, matagal nang respetadong personalidad si Escudero sa politika na kilala sa kaniyang dedikasyon, integridad at commitment para sa mga Pilipino.
Kasabay naman nito ay ipinaabot din ni Romualdez ang pasasalamat kay dating Senate President Migz Zubiri sa kaniyang pamumuno at pagseserbisyo bilang pununo ng Senado.
Dahil aniya sa kaniyang dedikasyon ay maraming napagtagumpayan ang lehislatura para sa kapakanan ng bayan.
Positibo naman ang House Speaker na sa bagong liderato ng Seando ay magpapatuloy ang magandang ugnayan ng dalawang kapulungan ng Kongreso upang makapagpasa ng mga batas at programa na magpapabuti sa kalagayan ng bawat Pilipino.
“The House of Representatives remains steadfast in its commitment to passing legislation that promotes the welfare and progress of our country. Under President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.’s administration, we have laid out comprehensive programs and initiatives aimed at uplifting the lives of millions of Filipinos. With Senator Escudero’s leadership in the Senate, I am confident that we can further strengthen our legislative agenda and ensure the successful implementation of these programs.” sabi ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes