Humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa ‘PDEA leaks’ issue si dating Executive Secretary Paquito Ochoa.
Sa pagdinig, pinabulaanan ni Ochoa ang alegasyon ni dating PDEA agent Jonathan Morales na siya ang nag-utos na ipatigil ang operasyon noong 2012 laban sa mga high profile personalities na iniuugnay sa ilegal na droga.
Sa pagtatanong ng mga senador, itinanggi ni Ochoa na inutusan niya si dating PDEA Deputy Director General Carlos Gadapan na ipatigil ang sinasabing operasyon.
Katunayan, hindi aniya kilala ng dating executive secretary sina Gadapan maging si Morales.
Hindi rin aniya nakita ni Ochoa ang sinasabing mga dokumento ng PDEA na nag-leak at naisapubliko. | ulat ni Kathleen Forbesm