Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng buong mundo sa pagpapaabot ng pakikiramay sa Iran, sa pagkasawi ni Iranian President Ebrahim Raisi at ng foreign minister nito na si H.E. Hossein Amir-Abdollahian, kasama ang pitong iba pa sa helicopter crash ngayong araw (May 20).
Ayon sa Pangulo, kaisa rin ng lahat ang mga Pilipino sa pananalangin para sa pamilya at malalapit sa buhay ng mga biktima.
“We offer our deepest condolences to the people and the government of the Islamic Republic of Iran, especially to the families and loved ones of the late President Ebrahim Raisi, Foreign Minister Hossein Amir Abdollahian, and their companions in this tragic incident. The Filipino people mourn with you and will keep you in our prayers during this difficult time.” —Pangulong Marcos Jr.
Base sa inisyal na impormasyon, tinatayang nasa 30 minuto mula nang mag-take off ang helicopter na sinasakyan ng 63-year-old leader at ng iba pang Iranian officials, nang mawalan dito ng contact.
Agad itong pinagmulan ng pangamba, dahilan kung bakit agad ring nagpatupad ng search at rescue operations ang pamahalaan ng Iran upang hanapin ang helicopter na sinasakyan ng kanilang presidente. | ulat ni Racquel Bayan