Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pondo at patuloy na plano para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyong Yolanda, taong 2013.
Sa ambush interview sa Tacloban, sinabi ng pangulo na hindi pa ganap na naka-recover ang bansa, mula sa pinsalang iniwan ng Yolanda.
Kung tututusin aniya, nitong nakalipas na dalawang taon pa lamang talaga, nagsimula ang isinagawang rehabilitasyon ng pamahalaan sa mga napinsala ng bagyo.
“Hindi pa natin masasabi na naka-fully recover na tayo sa Yolanda, so that’s still… with all that rehabilitation, you know we only really started two years ago because nothing was done in the previous administration, nothing was done in the administration before that so how long, 12 years on, ngayon palang talaga natin inaasikaso nang mabuti.” —Pangulong Marcos.
Gayunpaman, pagsisiguro ng pangulo, handa ang pondo para sa nagpapatuloy na rehabilitasyon na ito, kailanman ito kailanganin.
“The plan is, the funding will be available whenever the schedule requires.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan