Dahil sa pabago-bagong kondisyon ng panahon, sumasailalim ngayon sa pagsasaayos ang Cardona Treatment Plant ng Manila Water.
Sa abiso ng Manila Water, ang mga pag-ulan nitong mga nakalipas na araw ay nakakaimpluwensya sa mga pagbabago sa kalidad ng raw water na pumapasok sa treatment plant.
Para sa kaligtasan ng mga customer, sumasailalim sa treatment process at flushing activities ang planta upang matiyak na nasa acceptable levels ang kalidad ng tubig.
Bunga nito, inaasahan na ang pagkakaroon ng water interruptions hanggang bukas ng madaling araw.
Tiniyak naman ng Manila Water, na magpapakalat ito ng mga water tanker sa mga apektadong lugar para magsuplay ng malinis na tubig. | ulat ni Rey Ferrer