DILG, bukas sa pagsasampa ng reklamo sa mga dating opisyal ng Tarlac dahil sa pagpasok ng umano’y POGO hub na ikinokonekta kay Bamban Mayor Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi isinasantabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga dating opisyal ng Tarlac kasunod ng pagpasok ng umano’y POGO hub na ini-uugnay kay Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ang inihayag ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. kasunod ng pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na dapat managot ang mga dating opisyal ng lalawigan maging ng mga naging Chief of Police sa bayan kung bakit napayagang mag-operate iyon.

Pero pag-amin ni Abalos sa pulong-balitaan sa Kampo Crame kahapon na limitado ang kapangyarihan ng DILG sa pagkastigo sa mga lokal na opisyal na tanging ang Ombudsman ang may kapangyarihan.

Magugunitang bumuo na ng 7-man Task Force ang DILG sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Solicitor General at iba pang ahensya ng pamahalaan na mag-iimbestiga sa pagkakaugnay ni Mayor Guo gayundin sa citizenship nito.

Una nang inirekomenda ng DILG sa Ombudsman na suspendehin si Mayor Guo habang gumugulong ang imbestigasyon laban sa kanya.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us