Kumakalat ngayon sa social media ang video ng guro na makikitang nanakit sa kaniyang mga estudyante sa loob ng silid-aralan sa Lubao, Pampanga.
Sa naturang viral na video, tila mayroong tinatanong at galit ang guro na kapampangan ang salita matapos ay nanakit ito ng dalawang mga estudyante.
Sa isang mensahe sa media, sinabi ni Education Assistant Secretary Francis Bringas na ipinag-utos na ngayong araw DepEd Region 3 director na magsagawa ng fact-finding o motu proprio investigation kaugnay sa insidente.
Wala pa naman ibinigay na impormasyon na pangalan ng paraalan at kung ano ang dahilan ng pananakit ng naturang guro.
Batay Child Protection Policy ng DepEd, ang anumang klase ng pananakit ng guro sa kaniyang estudyante pisikal man, sa pananalita, seksuwal o sikolohikal ay paglabag sa nasabing polisiya.| ulat ni Diane Lear