Isinusulong ng Metropolitan Manila Development Autority (MMDA) ang pagbuo ng Drainage Master Plan upang matugunan ang mga pagbaha sa Metro Manila.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na bukod sa mga hakbang na kasalukuyang ginagawa ng ahensya at mga lokal na pamahalaan para malutas ang problema sa baha.
Kailangan na magkaroon ng Drainage Master Plan kung saan sakop nito ang lahat ng mga drainage system sa Metro Manila para kumpunihin at mapataas ang kapasidad ang dami ng tubig lalo na kapag malakas ang ulan.
Sinabi rin ni Artes na sa kabila ng mga flood mitigation measure ay patuloy pa rin ang mga pagbaha dahil sa mga maling pagtatapon ng basura.
Patuloy naman ang apela ng MMDA sa publiko na itapon nang maayos ang kanilang mga basura upang hindi ito magbara sa mga daluyan ng tubig.| ulat ni Diane Lear