Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, kasama sina Senador Juan Miguel Zubiri, JV Ejercito, at Joel Villanueva ang groundbreaking ceremony para sa bagong barracks ng mga tauhan ng Philippine Navy sa Pag-Asa Island.
Sa pagbisita ng kalihim at ng mga senador sa Pag-Asa Island noong nakaraang Huwebes, kinumusta nila ang mga tropa at residente sa lugar at ininspeksyon ang mga pasilidad sa isla.
Binigyang diin ni Sec. Teodoro ang kahalagahan ng pagtatanggol ng pag-aari ng Pilipinas sa West Philippine Sea, para pakinabangan ng mga susunod na henerasyon.
Bukod sa bagong barracks, nakatakda ring magtayo ng bagong rural health unit na may laboratoryo at panganakan.
Ayon sa DND, ang pagtatayo ng mga karagdagang pasilidad sa isla ay testamento ng determinasyon ng pamahalaan na mapalakas ang presensya sa WPS, sa pamamagitan ng imprastraktura na susuporta sa mga pangangailangan ng residente at sundalong nasa lugar. | ulat ni Leo Sarne
📸: DND