Pahayag ni Human Rights Panel Chair Benny Abante na di na kailangan humarap ni dating Pangulong Duterte sa nakatakdang pagdinig sa EJK, suportado ng House members

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng House members ang pahayag ni House Committee on Human Rights Chair Bienvenido Abante na hindi na kailangan ipatawag si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa nakatakdang pagdinig ng committee sa umanoy extra judicial cases sa bansa.

Sa daily press conference sa Kamara, sinabi ni Manila Representative Joel Chua na hayaan munang gumulong ang pagdinig in aid of legislation dahil ipatatawag naman ang mga dating opisyal ng nakaraang administrasyon.

Sinabi naman ni La Union Representative Francisco Paolo Ortega hangad ng pagdinig na malaman ang katotohanan at hindi target na tumbukin ang isang personalidad.

Nais naman ni Zambales Representative Jefferson Konghun na malaman kung may mga nakausap na bang heneral ang International Criminal Court ukol sa EJK.

Sa Miyerkules, May 22, nakatakdang simulan ng House Panel ang pagdinig sa mga kaso na may kinalaman sa war on drugs.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us