Aabot sa 1,200 QCitizens ang napabilang sa Cash for Fork (CFW) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan sa QC Social Services Development Department (SSDD).
Ang CFW ay bahagi ng implementasyon ng lungsod sa Project BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ng DSWD, na naglalayong masolusyunan ang mga kinakaharap ng mga LGU ngayong El Nino partikular sa food security.
Limang araw na sumailalim sa pagsasanay ang mga QCitizen mula sa pinaka nangangailangang sektor.
Tinuruan sila ng iba-ibang programa ng lungsod sa climate change, joy of urban farming, disaster resilience, at community savings group.
Matapos ang training ay sumalang rin sa 15 araw na pagtaanom ang mga benepisyaryo kung saan sila ay nakatanggap ng halagang katumbas ng daily minimum wage rate sa rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa