Aminado ang ilang mga tsuper sa bahagi ng Marcos Highway sa Marikina City na tila nabitin sila sa tapyas-presyo sa diesel.
Ito’y makaraang magpatupad na naman ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis epektibo ngayong araw.
Nasa ₱0.10 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina na ikaapat na sunod na ngayong linggo, habang nabali naman ang rollback sa presyo ng diesel matapos magtaas ito ng ₱0.20 sentimos kada litro
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang mga tsuper na hindi pa sila nakabubuwelo sa magandang kita matapos bumaba ang presyo ng diesel.
Kaya naman umaasa silang huwag nang masusundan pa ang taas-presyo sa diesel sa halip ay maging rollback muli ito sa susunod na linggo.
Samantala, nananatiling normal ang daloy ng trapiko partikular na ang ruta ng mga jeepney mula at patungong Cubao sa Quezon City, Marikina, Antipolo, Pasig, at Cainta. | ulat ni Jaymark Dagala