Muling nanawagan ang isang mambabatas para sa tuluyang pagsasabatas ng panukala para sa pagsasailalim ng mga College student sa Citizen Service Training.
Ayon kay 1-Pacman Party-list Representative Mikee Romero na isang reserve officer ng Air Force, makatutulong ang National Citizen Service Training (NSTC) and Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) bill upang madagdagan ang military reservist na maaaring i-deploy sa panahon ng emergency gaya ng kalamidad.
Disyembre pa ng nakaraang taon nang pagtibayin ng Kamara ang bersyon nito ng NSTC-ROTC Bill para sa Mandatory Citizen Service Training at optional ROTC.
Aamyendahan nito ang RA 7077 o Reservists’ Law.
Una nang sinertipikahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang urgent ang panukala.
Naniniwala kasi ang Presidente na malilinang nito ang kapasidad ng mga Pilipino na gampanan ang constitutional responsibility na magsilbi sa panahon ng kalamidad, sakuna, national, o local emergency. | ulat ni Kathleen Jean Forbes