Tatlong potential sites ang nakita ng Department of Human Settlements and Urban Development sa Subic Bay Metropolitan Authority na pagtatayuan ng pabahay project ng gobyerno.
Kasama si SBMA Chairman at Administrator Eduardo Jose Aliño, ininspeksyon ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang nasabing lugar sa loob ng SBMA .
Ginawa ang inspeksyon pagkatapos lagdaan ng DHSUD at SBMA ang isang Memorandum of Understanding para sa partnership sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.
Ngayon pa lang ikinagalak na ni Acuzar ang pagbabago ng tatlong sites sa actual housing projects sa kanilang strategic locations.
Isa ay matatagpuan sa gitna ng commercial area ng SBMA habang ang dalawa pa ay nasa tahimik na mga lugar sa loob ng dating US Naval Base .
Malugod namang tinanggap ni Chairman Aliño ang pakikipagtulungan ng DHSUD sa pagsisikap na makapagbigay ng disente ngunit abot-kayang tirahan sa mga manggagawa at low-income earners sa Subic. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DHSUD