Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Pilipinas bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa mundo.
Sa harap na din ng ito ng patuloy na paghikayat ng Chief Executive sa mga negosyante na maglagak ng kanilang negosyo sa bansa.
Sa talumpati ng Pangulo sa 6th Indo-Pacific Region Business Forum, inihayag nitong maraming dahilan para mamuhunan sa Pilipinas ang mga investor.
Bukod sa magandang lokasyon na alok ng bansa, kabi-kabila aniya ang mga proyektong ginagawa ng pamahalaan na magreresulta sa pag-unlad ng ekonomiya at magbibigay ng maraming oportunidad.
Kabilang dito ang Build, Better, More infrastructure projects, iba’t ibang transportation projects sa gitna ng inaabot na target ng administrasyon para sa transport sector.
Malaki ang maitutulong ng ganitong mga proyekto sabi ng Presidente at pakikilahok ng pribadong sektor sa pamamagitan my Public Private Partnership.
Kasama din sa panghikayat ng Pangulo ang aniya’y ginawang streamlining sa bureaucratic processes dahilan para ipursigi ng mga investor ang kanilang paglalagak ng negosyo sa Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar