SP Escudero, nanindigang hindi madidiktahan sa magiging pamumuno nito ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na walang kumausap sa kaniya mula sa Malacañang para itulak siyang maging bagong lider ng Mataas na Kapulungan.

Ito ang sagot ni Escudero sa tanong kung may naging papel ba ang Malacañang sa nangyaring pagpapalit ng liderato ng Senado kahapon.

Binigyang diin din ng Senate President na ang sinumang hinahalal nila bilang mga opisyal ng Mataas na Kapulungan ay dumedepende sa kumpiyansa ng mas nakararaming miyembro ng Senado.

Sinabi rin ng senador na hindi siya madidiktihan ng kung sinuman sa mga gagawin nilang desisyon sa Senado.

Aniya, hindi makatarungan na bumuo ng ganitong mga haka-haka at ang tanging susundin lang nila ay ang mas nakakataas na interes ng sambayanang Pilipino.

Ngayong huling dalawang araw bago mag-sine die adjournment ang sesyon ng Kongreso, sinabi ni Escudero na uunahin na muna nilang tapusin ang mga nasimulan na o naitanim na ng nakaraang liderato.

Partikular na aniya ang panukalang amyenda sa Procurement Law.

Kaugnay ng panukalang ito, pinakiusapan aniya ni Escudero si dating Committee on Finance Chairperson Sonny Angara na patuloy na i-sponsor at tapusin ang panukala. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us