Mga barko ng China sa Bajo de Masinloc, dumoble ang bilang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumoble ang bilang ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc base sa datos na inilabas ng Philippine Navy.

Sa huling tala, 55 na barko ng China na binubuo ng siyam na Chinese Coast Guard Vessel (CCGV), apat na Peoples Liberation Army Navy (PLAN), at 42 Chinese Maritime Militia vessel ang na-monitor sa Bajo de Masinloc mula Mayo 14 hanggang 20.

Halos doble ito sa 28 barko na kinabibilangan ng 8 CCGV, 2 PLAN at 18 CMMV na na-obserbahan noong Mayo 7 hanggang 13.

Una nang nanawagan ang National Security Council (NSC), para sa pagsasagawa ng international inspection ng United Nations o respetadong environmental organizations sa mga aktibidad ng China sa Bajo de Masinloc.

Ito’y sa gitna ng ebidensya na hawak ng Philippine Coast Guard sa patuloy na “environmental destruction” na ginagawa umano ng China, sa pamamagitan ng walang-habas na pagkuha sa likas yaman, at “endangered species” sa lugar. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us