Opisyal nang itinalaga bilang bagong National Food Administrator (NFA) Administrator si Larry del Rosario Lacson.
Kinumpirma ang kanyang appointment ng National Food Authority Council matapos ang board meeting kahapon.
Ayon sa ulat ng NFA, magsisilbi ding Vice Chairperson ng NFA Council si Administrator Lacson.
Si Lacson ay itinalagang Acting NFA Administrator ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr. noong Abril 16, 2024.
Bago pinamunuan ang NFA ,
itinalaga muna siya ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel bilang Director IV ng Department of Agriculture .
Itinalaga siyang OIC- Deputy Administrator ng NFA hanggang hirangin ni Pangulong Marcos bilang Acting Administrator. | ulat Rey Ferrer