Patuloy ang konstruksyon ng kauna-unahang underground railway system sa bansa na Metro Manila Subway Project (MMSP).
Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Transportation (DOTr), nasa 14% na ang physical progress ng proyektong na inaasahang magpapabilis ng biyahe sa Metro Manila.
Ang 33-kilometrong railway system ay dadaan sa walong lungsod sa Metro Manila na magkokonekta sa iba pang major railway lines tulad ng LRT-1, MRT-3, MRT-7, LRT-2, at North-South Commuter Railway Project.
Kapag natapos ang Metro Manila Subway Project, inaasahang makakapagserbisyo ito ng nasa 370,000 na mga pasahero kada araw at magbibigay ng mas mabilis at maginhawang transportasyon.
Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng proyekto sa huling bahagi ng 2029.| ulat ni Diane Lear