DMW Secretary Cacdac, inilatag ang mga programa para sa mga OFW sa harap ng Commission on Appointments

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang programa para sa mga overseas Filipino worker sa harap ng Commission on Appointments (CA) ngayong araw.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Cacdac na patuloy niyang isusulong ang karapatan ng mga OFW sa pamamagitan ng pagpapatupad ng rights-based approach.

Gaya na lamang aniya ng pagpapalakas ng mga programa kontra illegal recruitment at human trafficking.

Bahagi rin aniya ng pagsusulong ng karapatan ng mga OFW ang pagpapaigting ng bilateral labor agreement at labor diplomacy na naglalayong matiyak ang ligtas, patas, ethical, at transparet na recruitment sa mga OFW.

Tiniyak din ni Cacdac na gagamitin ang P2.8 bilyon na Aksyon Fund ng DMW para matulungan ang mga OFW at kanilang pamilya na nangangailangan.

Samantala, ipinagpaliban muna ng CA ang deliberasyon sa ad interim appointment ni Cacdac bilang kalihim ng DMW dahil sa kakulangan umano ng oras.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us