Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga taga-Iran kasunod ng pagkamatay ni Iran President Ebrahim Raisi.
Matatandaang lulan ng Bell 212 helicopter ang Iranian President kasama ang foreign minister na si Hossein Amiradollahian at iba pang mga opisyal ng bumagsak sa bulubundukin lugar sa Azerbaijan border.
Sa inilabas na pahayag ng DMW, nagpapaabot ito ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi.
Nauna rito ay nagpaabot na rin ng mensahe ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi dahil trahedya.| ulat ni Diane Lear