Promosyon ng 33 matataas na opisyal ng AFP, lusot sa Commission on Appointments

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-apruba ng Commission on Appointments ng ad-interim promotion ng 33 matataas na opisyal ng militar kahapon.

Kabilang sa mga lumusot na appointee ang isang Lieutenant General, isang Major General, tatlong Brigadier General, at 28 Colonel at Navy Captain.

Ang mga na-promote na opisyal ay pinangunahan ni Lieutenant General Facundo Palafox IV, na naitalaga kamakailan bilang Commander ng AFP-Southern Luzon Command (SOLCOM).

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, ang kumpirmasyon ng mga naturang opisyal ay testamento ng “meritocracy” sa militar, kung saan ang pag-angat ng ranggo ay base sa kakayahan at karakter ng mga opisyal. | ulat ni Leo Sarne

📸: SSg Amagan/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us