Sakit sa puso, nangunguna pa ring sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino noong 2023 — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangunguna pa rin ang sakit sa puso bilang pinakasanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino noong 2023, ayon sa Philippine Statistics Office (PSA).

Sa datos na inilabas ng PSA, mula Enero hanggang Disyembre ng 2023 ay umabot sa 112,789 ang bilang ng nasawi dahil sa heart disease o katumbas ng 19% ng total deaths sa bansa.

Pumangalawa naman ang neoplasms o tumor na nagdulot ng 63,788 deaths (10.7% share).

Pangatlo naman sa dahilan ng mortality ang cerebrovascular diseases kabilang ang stroke na nadulot ng 59,829 na pagkasawi noong 2023.

Pasok rin sa Top 5 na nangungunang dahilan ng pagkasawi sa bansa ang diabetes at pneumonia.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us