Magpapadala ng kanyang liham sa Kamara si Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon para muling imbestigahan ang mga ari-arian ng ABS-CBN.
Sa kanyang press conference, sinabi ni Gadon, marapat lamang na buhayin ang usapin sa lupang kinatitirikan ng gusali ng naturang kompanya.
Ito ay dahil hindi natapos ang usapin ito noong nagsagawa ng pagdinig ang Kamara sa isyu ng prangkisa ng nasabing TV network.
Bukod sa lupang pag-aari ng kompanya, nais din ng Kalihim na silipin ang pagkakabenta ng pamilya Lopez sa Meralco.
Ang hakbang na ito ng Kalihim ay kasabay ng ginagawang pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa renewal ng prangkisa ng Meralco.
Dapat daw ay klaruhin muna sa Kamara kung papaanong naibigay sa pamilya Lopez ang power distribution company matapos ang martial law.
Samantala, pinabulaanan ni Gadon ang ulat ng ABS-CBN na haka-haka lamang ang kahirapan sa bansa.
Ang paglilinaw ay bunsod ng lumabas na ulat kung saan ginamit pang source ang Presidential Adviser. | ulat ni Michael Rogas