Pinangunahan ni Overseas Workers Welfare Administration Regional Office IX Director Rosalito Sultan ang ginawang ‘Migration Reintegration Forum’ para sa mga partner ng OWWA at OFW stakeholders.
Ginanap ang naturang forum sa Subanen Function Hall, Zamboanga Del Sur.
Ayon sa OWWA, layon ng naturang forum na makapagbahagi ang mga partner ng OWWA at iba’t ibang OFW stakeholders ng kanilang mga karanasan, kaalaman, at ideya sa pagbabalik integrasyon ng mga OFW sa kanilang komunidad.
Paliwanag ng ahensya, ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap nila na mapabuti ang serbisyo at suporta para sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: OWWA