Pumirma ng isang Memorandum of Agreement ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at City Government ng San Juan para sa pagtatatag ng OFW Help Desk.
Ayon sa OWWA, sa pamamagitan ng proyektong ito mas mapapadali ang access ng mga OFW sa mga serbisyo at tulong na kanilang kailangan.
Ang OFW Help Desk anila ay magiging tulay upang masigurong mabilis at maayos na matutugunan ang kanilang mga pangangailangan at alalahanin.
Kasabay nito ay nagpasalamat din ang OWWA sa City Government ng San Juan sa pamumuno ni Mayor Francisco Javier Zamora sa kanilang suporta at pakikiisa sa pangangalaga sa mga OFW. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: OWWA