Tourism Secretary Frasco, mainit na tinanggap ang mga participant sa Connections Luxury 2024 sa Boracay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa patuloy na pag-promote ng mga ipinagmamalaking tourism sites at mga produkto ng ating bansa.

Nagtungo at nakipag meet and greet si Tourism Secretary Christina Frasco sa mga deligado ng Philippine Connections Luxury 2024.

Kung saan personal na nagtalumpati ang kalihim at tiniyak ang patuloy na pagsuporta ng Tourism Department sa international buyers at Philippine sellers sa ating bansa.

Aniya, patuloy ang mga ginagawang hakbang ng ating pamahalaan upang magkaroon ng mas maayos na tourism experience ang foreign tourists maging ang ating mga kababayan na tutungo sa bawat ipinagmamalaking tanawin at lugar sa bansa.

Isa na nga dito ang pagpapa-unlad sa sektor ng transportasyon gaya ng pagmomodernisa ng ating mga paliparan at seaports na mag-uugnay sa tourism sites sa bansa.

Sa huli, nangako naman si Secretary Frasco sa mga deligado ng naturang pagtitipon na asahan na hindi titigil ang Department of Tourism upang maghatid ng masayang tourism experience sa mga turistang tutungo sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us