Iginiit ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na hindi pag-aaksayahan ng panahon ng Mataas na Kapulungan ang mga panukalang batas na hindi naman maisasabatas.
Sa ngayon ay hindi pa masabi ng bagong upong senate president ang mga magiging priority bills ng Mataas na Kapulungan sa ilalim ng bagong liderato dahil pinag-aaralan pa aniya nila ito.
Inamin ni Escudero na hindi niya kabisado ang mga priority measures ng administrasyon bilang hindi pa siya naging bahagi ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meetings.
Ayon sa Senate leader, bilang 14 na taon na siyang mambabatas ay kabisado na niya kung ano ang mga panukalang batas na madaling maipapasa ng Kongreso.
Hindi naman na tinukoy ng senador kung anong panukalang batas ang hindi na nila pag-aaksayahan ng panahon. | ulat ni Nimfa Asuncion